Cambridge Shaw Buwan ng Wika 2018

View gallery

Noong nakaraang Agosto, nakiisa ang aming paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang: Filipino: Wika ng Saliksik. Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, nagdaos ng isang munting pagdiriwang ang mga mag-aaral ng Cambridge Shaw.  Sa panimula ng programa, nagsanay ang mga bata sa pagsasayaw ng Pandanggo sa Ilaw at sila ay nagpakitang gilas sa pagbabalanse ng kandila sa kanilang mga ulo. Maliban sa pagsasayaw, nagkaroon din ng palaro at ang mga bata ay masayang naglaro ng Piko at Hilahang Lubid. Bago magtapos ang programa ay binigyang parangal din ang mga nagwaging munting Lakan at Lakambini. Isang munting salu-salong Pilipino ang aming pinagsaluhan matapos ang patimpalak. Lubos na nasiyahan ang mga bata sa mga pagkaing Pilipino lalo na sa kanilang makulay na sorbetes. Mabuhay ang kulturang Pilipino! 🇵🇭